Kapangyarihan, koneksiyon

PERA, kapangyarihan at koneksyon pa rin ang madalas na ipagmalaki ng marami sa ating mga kababayan bagaman tungo sa ‘tuwid na daan’ na tayo inaakay ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Isa sa nananatiling nakakulong sa ganitong mentalidad ang isang Susan Dagdagan,  contrac-tor ng Globe Telecommunications, na hinamak ang mga pulis na nagtungo sa kanyang lugar sa Fairview matapos makasagi ang isang puting Isuzu van (YHJ-889) na gamit ng kanyang kompanya at nakarehistro sa isang Irene Solomon ng isang binatilyo sa Mindanao Avenue, QC noong unang Biyernes ng Hulyo.

Hindi lang tinakbuhan ng driver ni Dagdagan ang 17-anyos na biktima kundi binaba pa nito mula

sa sasakyan at sinapak sa mukha. Walang nagawa ang binatilyo  kung hindi maiyak sa sakit na sinapit dahil nabundol na ay sinaktan pa ng walang pusong suspek.

Hindi natanggap ng ina ng biktima na isang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District ang kalupitang sinapit ng kanyang kaisa-isang anak na lalaki kaya’t mabilis na kumilos ito upang alamin kung paano mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng kanyang unico hijo.

Nagpasama sa kanyang mga kabaro ang ina subalit hindi ito nagpakilala kay Dagdagan at ipinaliwanag ang ginawang katarantaduhan ng kanyang driver. Subalit sa halip na ilutang ang suspek, ipinagmalaki ni Dagdagan ang kanyang koneksyon at sinabing “ nasagi lang iyan, iyong iba nga patay naaayos namin.” Kailangan pa ba niyang ipamukha

sa mga pulis na kaya nilang bilhin ang batas? Bayaran ang katarungan?

Nang batakin ng mga pulis ang kanyang sasakyan, taas leeg pa rin si Dagdagan na sasakyan lang ang mawawala sa kanya at wala pa rin siyang planong isuko ang driver niyang si Roderick Piojo. Subalit ang nakipag-usap na operation manager na si Bong Roque ang nagsabi na isusuko nila ang driver. Natapos ang ilang araw walang suspek na nagtungo sa tanggapan ng Traffic Enforcement Unit at Women and Children’s Desk sa Camp Karingal.

Paano naman pala, maraming kakilalang pulis si Dagdagan na pinakiusapan niyang gumapang ng kaso.

Hay naku, hindi pa rin nawawala ang ‘padrino system.’ Paano kaya kung anak nila ang mabiktima ng katarantaduhan ni Piojo? Matuwa kaya sila?

Tiyak, hindi lang magngangangawa ang mga iyon baka mamaril pa.

Sa mga may hindi magan-dang karanasan sa  pulis, opisyal ng pamahalaan o pribadong in-dibidwal, puwede po kayong mag-email sa santi_lean11@yahoo.com o mag-text sa 092151-75814.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply