Sanggol patay nang puwersahang hinugot ng doktor

NASAWI ang isang sanggol na lalaki sa Tagudin, Ilocos Sur nang pilit itong hinila ng doktor ang ulo nito habang ipinapanganak.

Normal umano ang panganganak si Nieves Baricawa, 34, ng Lidlidda, Ilocos Sur sa Tagudin District Hospital ngunit nang nakalabas na ang ulo ng sanggol at puwersahang hinila ito ng nagpapanganak na nakilala lamang sa pangalang Dr. Dauz.

Dahil dito, nabali ang leeg nga sanggol, na agad namatay.

Inilipat sa Ilocos Training and Medical Center, San Fernando City, La Union ang ina dahil sa tuluy-tuloy na pananakit ng kanyang tiyan.

Lumabas sa pagsusuri na nasira ang bahay-bata ni Baricawa dahil sa ginawa ng doktor.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply