Kapitan, kagawad naggiyera, 3 todas sa Sulu

TATLONG katao ang napatay habang isa pa ang malubahang nasugatan nang magsagupa ang pangkat ng isang barangay chairman  laban sa tropa ng kanyang barangay kagawad sa Sulu, iniulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr, naganap ang sagupaan ng dalawang grupo bandang alas 5:00 ng hapon sa Barangay Kagay, Talipao, Sulu.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame nagkaroon ng matinding alitan ang kampo ni Brgy Chairman Akarab Asara At grupo ni Kagawad Jursi Hadel.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok bangkay na bumagsak ang dalawa sa kaalyado ni Barangay Captain  Asara.

Nabatid pa kay Cruz na nalagasan din ng isa ang grupo ni Brgy Kagawad Hadel bukod pa sa isang kritikal na kasalukuyang nasa pagamutan.

Iniutos ngayon ni PNP chief Director General Raul Bacalzo na imbestigahan ang pangyayari at alamin ang ugat ng sagupaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply