Kapitbahay na dalagita binuntis, mister dakip

KULONG ang isang mister matapos mabuntis ang kapitbahay na dalagita sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong multiple rape at child abuse si Rolando Nono, nasa hustong gulang ng Bagong Silang, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 16, pinapasok siya sa kanilang bahay ng suspek at hinahalay kapag wala ang kanyang mga magulang.

Hindi agad nakapagsumbong sa mga magulang ang biktima dahil tinatakot siya ng suspek.

Nabisto lang ang ginagawa ng suspek nang malaman na buntis ng tatlong buwan ang biktima at nang tanungin kung sino ang ama ay itinuro si Nono.

Agad na sinamahan sa presinto ang biktima na naging dahilan upang damputin ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply