Karahasan sa QC: 2 tumimbuwang

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang ex-convict na miyembro ng Batang City Jail (BCJ), habang isang bangkay ng lalaki na tadtad ng saksak sa katawan ang natagpuan sa bakanteng lote sa Quezon City iniulat ng pulisya kanina.

Kinilala ng pulisya ang kalalaya pa lamang na biktimang bilanggo na si Reynaldo Geronimo, 39, ng 86 St. Brgy. Commonwealth, QC.

Base sa report ng Quezon City Police District Batasan Police Station 6, dakong 10:00 kagabi nang pagbabarilin si Geronimo ng kainuman hindi kalayuan sa kanyang sa Barangay Commonwealth.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nakipag-inuman ang biktima sa mga bagong kaibigan sa lugar nang basta na lamang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isa sa mga kainuman.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang salarin sa hindi malamang direksyon.

Kasunod nito, isa namang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki na tadtad ng saksak sa katawan ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Brgy.Payatas kagabi.

Inilarawan ang  biktima na tinatayang nasa 30-35 anyos, may taas na 5’3” nakasuot ng black na t-shirt at blue shorts.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 10:30 ng gabi  ng mga kabataan na nakalugmok sa bakanteng lote sa Legaspi St. Felicidad Subd., Brgy. Payatas, Quezon City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply