Karinderya gumuho, 1 patay, 2 sugatan

PATAY ang isang estudyante, habang dalawa ang nasugatan makaraang madaganan nang gumuhong pader ng karinderya sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa report ni Police Officer 3 Rey Anin ng Quezon City Police District Station 4 Novaliches, kinilala ang namatay na si Mark Errol Collipano, computer technician sa Ama computer at residente ng Novaliches, QC.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang sugatan na si Vicente Abaga Jr., at Alvira Fernando na nagtamo ng galos at maliit na mga sugat sa katawan at isinugod sa Bernardino General Hospital.

Sinabi sa ulat ng QCPD station 4 Novaliches naganap ang insidente sa kahabaan ng Quirino Highway corner Gen.Luis sa gilid ng Nova plaza QC dakong 9:00 ng umaga kanina.

Nabatid sa ulat na patungo pa lamang ang biktimang si Collipano sa kainan kung saan naroon din ang dalawa pa nang biglang gumuho ang pader na nakadikit sa karinderya.

Dahil dito, direktang tinamaan si Collipano ng malaking tipak ng bato hanggang sa madaganan at agad na masawi.

Nadaganan naman si Abaga ng malaking tipak na bato at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan na malubha nakaratay sa naturang pagamutan habang si Concepcion naman ay nakalabas na sa pagamutan.

Nabatid naman sa mga residente na ang nasabing pader ay luma na at hindi ginamitan ng kabilya kaya mahina at gumuho bunga  na rin ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Mina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply