Karnap na sasakyan natagpuan sa Taguig

NAIBALIK na sa may-ari ang ninakaw na puting Toyota Tamaraw FX matapos matagpuan kahapon ng umaga ng mga elemento ng Taguig Police Community Precinct 3 sa kahabaan ng ML Quezon Road, Purok 5, Barangay Lower Bicutan.

Sa ipinalabas na ulat ni PSI Rey M. Villoria, sinabi nito na nakatanggap ang kanilang himpilan ng tawag buhat sa Taguig Emergency Line na nagpakilalang King Cruz at nagsabing may nakita siyang abandonadong sasakyan sa nabanggit na lugar.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis, nabatid na ang behikulo  (PXG 740) at tatak na UV Express Service na may rutang Sucat Parañaque, Lawton Manila via SM Mall of Asia ay unang inuulat ng PCP3 Muntinlupa Police Station na tinangay bandang 5:15 ng umaga ng mga ‘di nakilalang suspek noong Agosto 8, 2011 habang nakahimpil sa Sucat Road, Purok 5, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Naibalik ang nawalang sasakyan sa may-ari na si Roberto Tria pagkaraang masuri ng awtoridad ang mga katibayang papeles nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply