Kasambahay natusta sa sunog sa Mandaluyong

NASAWI ang isang kasambahay makaraang masunog ang bahay ng kanyang amo sa Mandaluyong City kaninang madaling-araw, Martes, Agosto 23.

Nabatid na bandang 3:00 ng madaling araw nang matupok ang bahay na pag-aari ng magkapatid na Ramo at Greg Jarencio na matatagpuan sa Lawson Street, Barangay Bagong Silang, Mandaluyong City.

Natagpuan naman ang bangkay na nakilala lamang sa pangalang Cristina sa ikalawang palapag ng naturang bahay.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula makalipas ang halos dalawang oras.
Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply