Kasambahay pinakulong ng amo

PINAKULONG ng sariling amo ang isang kasambahay matapos nakawin ng huli ang mga alahas ng una na nagkakahalaga ng P1.1M sa Caloocan City, iniulat ngayon (Martes, Agosto 30) ng pulisya.

Nakilala ang suspek na si Mary Grace Gallena, 19, tubong Masbate at stay-in housemaid sa Paz St., Morning Breeze subdivision, ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Jocelyn Santos, amo ng suspek, noong nakalipas na Agosto 26, 2011, dakong alas-6:30 ng gabi nang matuklasan niyang nawawala ang kanyang mga mamahalin alahas.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating si Gallena at nang tanungin ng amo kung kinuha nito ang kanyang mga alahas ay umamin naman ang suspek.

Sinabi ng suspek na may tumawag sa telepono na sinabing nadisgrasya ang biktima at pinakuha ang alahas at makipagkita si Gallena sa sinabing caller.

Hindi naman naniniwala si Santos na nabiktima ng Dugo-dugo gang ang kasambahay dahil kung may tumawag umano at sinabing nadisgrasya ang biktima ay bakit hindi ipinaalam sa mga anak ng una na nasa bahay lang ng araw na iyon.

Agad na humingi ng tulong sa mga pulis si Santos at ipinadakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply