Kasintahan ginahasa ng pakakasalang pastor

ISANG lalaking nakatakda na sanang maging ganap na pastor ang inireklamo ng panggagahasa ng kanyang kasintahan sa South Cotabato, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima sa pangalang Amor, ng Cagayan de Oro.

Sa salayasay ng dalaga, pinuwersa siyang halayin ng kanyang kasintahan na kinilalang si Emmanuel Lanestosa, 29, ng Barangay Rizal, Banga, South Cotabato.

Ayon sa sumbong ng complainant, pumunta siya sa lugar upang asikasuhin ang papeles ng kanilang kasal subalit hindi niya sukat akalain na hahalayin siya ng nobyo.

Dahil dito, napilitan ang biktima na maghain ng sumbong sa South Cotabato PNP-Women and  Children  Protection Desk ng South na may hawak ngayon ng kaso.

Sa ngayon sa pangangalaga na ng ahensya ang nasabing biktima at isailalim sa psychological test.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply