Kaso ng dengue sa Rizal umakyat sa 1,777

UMAKYAT ang bilang ng mga dengue cases sa lalawigan ng Rizal sa sa higit 1, 700 sa unang walong buwan ng taong kasalukuyan.

Ayon sa report ng provincial health office kay Rizal Governor Casimiro “Jun” Ynares III, mula Enero hanggang Agosto ay nasa 1, 777 na ang bilang mga kaso ng dengue base sa tala ng Center for Health and Development (CHD) Region IV-A.

Ang Antipolo City ang may pinakamataas na bilang sa 477 na sinundan ng Cainta sa 286, at Binangonan at Rodriguez na kapwa may 225.

Sa ngayon ay may siyam na kaso ng mga namatay sa Rizal dahil sa sakit na dengue.

Dahil dito nanguna ang lalawigan katuwang ang Department of Health para ma-engganyo ang mga taga lalawigan na magbigay ng dugo.

Nagsagawa ang Rizal government ng isang medical at dental mission na may pamagat na “Sagip-Buhay,” para ma enganyo ang mga residente na magbigay ng dugo.

“We will assure our public that the government is committed and will not let up in its efforts to fight the dengue virus,” pahayag ni Ynares.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply