‘Katayan’ ng nakaw na tricycle nabuking

RIZAL—Nadiskubre ng pulisya ang isang “katayan” ng mga nakaw na motorsiklo at naaresto ang empleyado nito matapos na inguso ang iligal na operasyon nito kahapon sa Antipolo City.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang nahuli na si Mark Anthony “Baton” Basi, 20, residente ng Blk.4, Lot 1, Phase 2B, Barangay San Luis, habang pinaghahanap naman si Gali “Empoy” Cuepo, residente naman ng Purok Sumulong, Brgy. Dela Paz ng nasabing lungsod.

Ang mga suspek ay inireklamo nina Joel Villanueva, residente ng Martin de Porres, Quezon City at Falconerel Flores, residente naman ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Sa ulat, natukoy ang nasabing katayan dakong ala-1:00 ng hapon sa Phase IIB, Brgy. San Luis, Antipolo City.

Nabatid na isang text message ang natanggap ng pulisya kaugnay sa bagong motorsiklo na kinakatay sa nasabing lugar kung kayat agad na tinungo ng pulisya at inabutan ang suspek na nasa aktong kumakatay ang sasakyan habang isa pa ang nakahanda na ring katayin.

Natunugan naman ni Cuepo ang pagdating ng pulisya at agad itong sumibat.

Nang siyasatin ng pulisya ang mga may ari sa Land Transportation Office (LTO) ay saka natukoy sina Villanueva at Flores ang may ari na siyang nagnguso sa mga suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply