Katilam-tilam si Direk Paul

HUMAGULGOL ang very competent and talented young actress na si Maja Salvador sa presscon ng kanyang solo-movie titled “Thelma” na distributed ng Star Cinema sa direksiyon ni Paul Soriano.

Sa aming panayam, hindi na raw kasi masikmura ni Maja ang mga negatibong nasusulat sa kanya. Mga isyung hindi niya na raw kinaya sa dahilang puro ito kasinungalingan!

Unang sinagot ni Maja ang isyung nang-agaw siya ng boyfriend. Hindi niya raw ito gawain dahil matino naman daw siyang babae! Nahihiya nga raw siya kay Direk Paul sa pagkakadawit nito sa naturang usapin. Sinagot niya rin ang isyung tambay siya ng bar at lasinggera. Nasa bahay lang daw siya kapag wala siyang trabaho at kung lalabas man ay manonood lang ng sine o magmo-malling kaya hindi raw ito totoo. Sa dulo ng aming panayam ay nakikiusap si Maja sa mga nagsusulat ng kung anu-ano sa kanya na hindi naman daw totoo na tigilan na siya!

Guwapung-guwapo kami kay Direk Paul Soriano. Dumating siyang naka-rugged pants and Polo long-sleeves at rubber shoes sa presscon ng pelikulang dinirek niyang Thelma na idi-distribute ng Star Cinema. Sabi pa nga namin, parang hindi siya direktor sa pelikula kundi isa sa mga artista nito. Napaka-neat niyang magdamit but very simple person with beautiful outlooks in life and clear visions to follow. Well, hindi na kami magtataka kung bakit ganoon na lang kung mahalin din siya ng girlfriend nitong si Toni Gonzaga. Marami ang nagsasabing bagay silang dalawa.

Ayon kay Direk Paul, the fact that he’s turning 30 this coming month of October, hihintayin niya pa rin daw si Toni Gonzaga kung kelan nito planong pakasalan siya. May usapan na diumano silang maghihintay sila sa isa’t isa dahil ganoon niya raw kamahal si Toni at mataas ang pagrespeto nito sa girlfriend.

Inspirasyon diumano ni Direk Paul si Toni kaya naman lalo pa diumano niyang pinagbubutihan ang kanyang directing job. Nag-iipon na diumano si Direk Paul para kapag handa na diumano si Toni ay wala na silang magiging problema. Inamin niyang gustung-gusto na niyang mag-asawa. Yun nga lang, sorry daw muna siya sa dahilang ang babaing pinakamamahal niya ay pinaghihintay pa siya ng konting panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply