Kato hindi aatakehin – Noynoy

WALANG plano ang militar na magsagawa ng pag-atake  laban kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander Ameril Umbra Kato, na hanggang ngayon ay pinaghahanap ng batas.

Ayon kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, makagugulo lamang sa peace process ang pagsalakay sa kumander ng  MILF.

Nagsimula ngayon (Lunes, Agosto 22) ang pagpapatuloy ng formal peace talks sa Kuala Lumpur, Malaysia, kung saan isusumite ng gobyerno ang peace agreement proposal sa MILF.

Tinuran ng Pangulo na bilang paggalang ito sa deklarasyon ng MILF Central Committee na si Umbra Kato ay isang “internal problem” ng MILF.

Sa ngayon, sinabi ni Presidential Peace  Adviser Teresita Deles na una sa agenda ang paglilinaw sa MILF kung ano ang status ni Umbra Kato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply