Kato opisyal na ipinatatakwil sa MILF

HILING sa Malacañang ng MILF na gawing opisyal ang pagdedeklarang renegade commander kay Ameril Umbra Kato.

Una nang lumabas sa mga balita na inilaglag na ng MILF Central Committee ang grupo ni Umbra Kato hangga’t hindi nagpapasailalim sa Murad leadership.

Ipinahayag ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala namang formal communication ang MILF sa government panel hinggil sa pagtitiwalag ni Kato.

Ayon kay Lacierda, hanggang media lamang ang pahayag ng MILF kaya ayaw nilang magbigay ng kongkretong reaksyon.

Pero anuman umano ang status ni Kato ay responsibilidad pa rin ito ng MILF na resolbahin.

Nananatili umanong internal problem sa MILF ang isyu at hihintayin ang resulta ng peace talks sa August 22-24.

Kasabay nito, pinabulaanan naman ng Malacañang na inialok ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay MILF chairman Al Haj Murad Ibrahim ang pagiging OIC ng ARMM.

Iginiit ni Lacierda na wala itong katotohanan at patunay dito ang pagbubukas ng nomination process sa mga OICs ng ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply