Katrina Halili nag-celebrate sa pagkakatanggal ng lisensya ni Hayden Kho

OKEY naman kay Katrina Halili kung pinatay na ang character niya sa TV series na “Munting Heredera” pero hindi rin niya ikinaila nagulat siya sa biglaang pagkamatay sa serye.

Maging si Direk Maryo J. delos Reyes ay nagulat pero sabi na rin ni direk na wala na rin daw kasing kapupuntahan ang character niya sa serye.

Kahit natsugi na sa serye ay patuloy pa rin ang pagpo-promote ni Katrina sa nasabing TV series kaya may talent fee pa rin siyang natatanggap.

Samantalang napangiti lang si Katrina sa tanong ng press sa kanya kung vindicated ba siya nang tuluyang tanggalan ng lisensiya para makapag-practice pa ng medicine si Hayden Kho?

“Ayoko na po sanang mag-comment doon. Tapos na po,” bungad ni Katrina.

“Hindi naman po ako super-celebrate. Ano ba yon? Ginawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin. So, kung ano ang napagdesisyunan, wala na po ako roon!” paliwanag ni Katrina.

Sa nagtatanong kung ano ang feeling niya kapag nakakaharap na siya ng mga tao?

“Okey naman po. Ngayon, kapag pinapanood ako sa kabila ng nangyari sa akin, nandiyan pa rin sila. Mas parang family. Nandoon yung…Dati pinapanood lang  nila. Inaabangan lang nila makita sa mall show.

“Ngayon, nararamdaman ko na parang pamilya nila ako. Parang ganoon!” tsika pa ni Katrina.

***

HINDI ka ba matatawa kapag nakita mo si Fabio Ide nagde-demonstrate at nagtuturo ng parts ng ilong at ang model niya ay si Allan K. Kuwela di ba?

Samantalang sina Akihiro Sato at Paolo Paraiso naman ay sasabak sa Huwag Po Koya segment ng Comedy Bar ngayong Sabado pagkatapos ng Imbestigador sa GMA 7.

Sasabak na rin si Dennis Trillo sa pagkanta ng rock sa CB hosted by Allan K, Eugene Domingo kasama ang mga stand-up comedian.

Siyanga pala, naitanong namin kay Dennis kung totoo ba nasabi niyang hindi makakatulong sa career niya si Jennylyn Mercado na patuloy pa ring nakadikit ang pangalan sa kanya?

“Hindi naman ganoon ang pagkakasabi ko. Sana huwag na natin ungkatin at buhayin ang nangyari sa amin ni Jennylyn. Okey na po ako at siguro ganoon din siya,” say ni Dennis.

Hindi naman ikinaila ni Dennis na di siya pabor sa one-on-one interview with Jennylyn Mercado sa Showbiz Central.

“Kailangan ba lahat ng naging karelasyon ni Jen ay may one-on-one interview sa kanya sa talk show?” say pa ni Dennis.

***

INAMIN ni Claudine Barretto na-spoil niya ang kasama niyang child star na si Mailkcah Wynne Nacion sa TV series ng GMA-7 na “Iglot.” Na hindi niya ginawa sa dalawang anak nila ni Raymart Santiago.

“Masarap kasi mag-spoil ng anak ng iba! Ha! Ha! Ha!, say ni Claudine na binigyan nga niya ng Barbie dolls ang bagong mamahaling child star na si Milkcah.

Pero inamin din ng aktres na pinagselosan ng dalawa niyang anak kapag may iba siyang anak na tinatawag sa programang kanyang ginagawa.

“Yes, nagseselos. Kailangang ipaliwanag mo sa kanila na kunwari lang, anak ko rin sila,”paliwanag ni Claudine.

Sinasabi raw sa kanya ng kanyang anak: ”Mommy, she can`t be your daughter! Ha! Ha! Ha! `She`s not my sister, mommy!” `Sasabihin ni Sabina. Ini-explain ko naman na it`s not true. It`s not real. It`s only acting,” kuwento ni Claudine.

Alam na rin daw ni Sabina na adopted child siya nina Claudine at Raymart. Pakiusap lang ni Claudine sa mga tao huwag raw sanang tatawaging adopted ang bata kasi hindi maiiwasang masaktan ito.

Unti-unti na raw nila sinasabi kay Sabina ang katotohanan na hindi sila ang tunay na magulang nito at alam nila na sa tamang edad ay matatanggap din ito ng bata.

Samantala, masaya na talaga si Claudine dahil wala na itong alalahanin para ma-stress muli dahil maayos na ang lagay ng father niya na inatake sa puso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply