Unang flyover sa Negros Occidental tapos na

TAPOS na ang konstruksyon ng kauna-unahang flyover sa Negros Occidental na matatagpuan sa Bacolod City.

Natapos ang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang mas maaga ng mahigit isang buwan kaysa itinakdang iskedyul.

Ito’y tugon sa nakaambang pagsisikip ng trapiko at pagdami ng tao sa Bacolod City dahil sa pagtatayo ng Bacolod North Terminal, pag-unlad ng industriya ng turismo, pagka-abala ng Bacolod-Silay Airport, pagtatayo ng bagong Banago Port, paglago ng komersiyo at industriya at pagtaas ng produksiyon sa agrikultura partikular sa plantasyon ng asukal.

Sa ilalim ng DPWH-Presidents Bridge Program Office sa pamumuno ni Project Director Oscar Villanueva ay pinabilis ang maagang pagbubukas ng flyover na nagkakahalaga ng P365.436 milyon upang agad malunasan ang suliranin sa trapiko.

Ang pagtatapos ng konstruksiyon sa Bacolod ay sumusuporta sa DPWH Convergence Program sa ibang ahensya tulad ng Department of Tourism (DOT) at sa Department of Transportation and Communications (DOTC) sa paglalatag ng mga daraanan sa mga paliparan at RoRo Ports.

Pinondohan ang nasabing proyekto na bahagi ng Mega Bridges for Urban and Rural Development Projects sa isang loan agreement sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at France. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply