Kawatan ipaanod sa baha at ibaon sa landslide

MINA, bagyong Mina.

Inalerto na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang Kabikulan, Kabisayaan at Kamindanaoan ukol dito.

Sa ating karanasan, kapag tumama ang bagyo sa Kabikulan, karaniwan nang dumaraan din ito sa Metro Manila at iba pang bahagi ng gitna at hilagang Luzon.

Kahit mahina ang bagyo dahil signal namber wan lang ito, nagbababala na ang Pagasa na maghanda laban sa baha at lanislayd.

Dahil dito, dapat na nga tayong maghanda.

oOo

Nitong nakaraang bagyo, nagkaroon ng mga sisihan lalo na sa Kabikulan.

Kasi, ipinagmamalaki ng mga gobernor, meyor at kapitan nila ang zero kaswalti sa nakaraang mga bagyo at nailikas nila sa ligtas na lugar ang kanilang mga mamamayan.

Pero ang nangyari ay marami ang namatay sa kanila dahil umano sa kapalpakan ng Pagasa.

At libo-libo ang naabutan ng mga baha at lanislayd.

In ader words, Suki, hindi nakapaghanda nang husto ang mga opisyal dahil umano sa kapalpakan ng Pagasa sa pagporkas ng lakas ng bagyo sa hangin at ulan.

Nangatwiran naman ang mga nasa Pagasa.

Hindi umano sila basta-basta nagdedeklara ng kung ano-ano ukol sa bagyo at higit silang nagdedepende sa mga instrumento at hindi sa sabi-sabi lang ng mga opisyal.

Maano kung nagkakandabaha-baha at nagkakandamatay-matay na sina gob, meyor at kap?

At “naunawaan” sila ni PNoy at hindi sinibak.

oOo

Oo nga pala, may panukala nang batas na parusahan nang matindi ang mga nagnanakaw ng mga kagamitan na panukat sa lakas ng ulan, hangin, baha at lindol.

Itong mga kawatang ito ay dapat talagang isama na lang sa baha at lanislayd para kunin ni Lord.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply