Kelot tinadtad ng bala sa katawan

ANIM na bala ang bumaon sa katawan ng isang 24 anyos na lalaki matapos itong barilin ng ‘di nakilalang suspek habang naglalakad nitong Sabado ng umaga, Agosto 20, sa Binondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Hospital ang biktima na si Jomar dela Cruz, pedicab driver, at nakatira sa Happy Land, Barangay 105, Zone 8, Binondo, Maynila.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan, ganap na alas-4:55 ng umaga nang maganap ang insidente sa may harap ng Stylish Commercial sa kahabaan ng C. M. Recto malapit sa panulukan ng Carmen Planas, Binondo, Maynila.

Agad namang nakatakbo ang biktima ngunit pinaputukan siya ng suspek kaya tinamaan ito ng anim na bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpatay kay dela Cruz. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply