Kelot binoga habang nagte-text

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 52-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng isang ‘di kilalang lalaki habang nagte-text Lunes ng gabi Agosto 22, sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital bunga ng tatlong tama ng bala sa dibdib mula sa kalibre 9mm ang biktimang si Genaro Madera, residente ng 571 Tolentino st., ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Desalisa ng Station Investigation & Detective Management Section (SIDMS), ang insidente ay naganap dakong 10:20 ng gabi sa harap ng isang bahay sa 542 Celeridad st. ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat, ang biktima ay abala sa pakikipag-text nang dumating ang isang lalaki na nakasakay sa motorsiklong walang plaka at nakasuot ng helmet.

Bumaba ang suspek, kinuha nito ang baril sa compartment ng motorsiklo, lumapit at pinaulanan ng bala ang biktima.

Bumulagtang duguan ang biktima kaya agad na isinugod ni Kagawad Raul Bautista ng Barangay 111 Zone-12 sa pagamutan.

Tatlong basyo ng kalibre 9mm ang nakuha ng mga imbestigador sa lugar na pinangyarihan habang patuloy na nagsasagaw ng malilim na imbestigasyo ang pulisya kaugnay sa motibo ng pamamaril at mapagkakakilanlan sa suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply