Kelot kalaboso sa kutsara’t tinidor

HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos magnakaw ng P100 halaga ng kutsara at tinidor  sa loob ng isang mall sa Binondo, Maynila iniulat ng pulisya.

Nakilala ang suspek na si Joel Domingo, 41, ng Lakandula St., Tondo, Maynila dahil sa reklamo ni Noel Bermudez, 46, may-ari ng isang tindahan sa 168 Mall.

Sa report ng pulisya, 9:00 ng umaga kahapon nang maaresto ang suspek sa loob ng tindahan ni Bermudez sa 168 Mall sa Felipe St., Binondo, Maynila.

Nabatid kay Bermudez na pumasok umano ang suspek sa kanyang tindahan at nagpanggap na kustomer hanggang sa itago sa kanyang damit ang 10 pirasong kutsara’t tinidor na nagkakahalaga ng P100.

Hindi naman nakalusot ang suspek sa kanyang ginawa kaya bago pa man makapuslit sa tindahan ay agad na siyang naaresto at narekober sa kanya ang 10 piraso ng kutsara at tinidor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply