Kelot kritikal sa saksak

KRITIKAL ang isang lalaki matapos pagtulungang bugbugin at saksakin habang naglalakad Sabado ng madaling araw, Agosto 13, sa kahabaan ng General Luna st., Barangay Concepcion, Malabon City.

Ang biktima na kasalukuyang ginagamot  sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng mga pasa sa katawan at isang malalim na saksak sa likuran ay nakilalang si Alvin Esguerra, 25, binata at residente  ng No. 40 Jacinto st., Barangay Ibaba ng nasabing lungsod.

Isang manhunt operation ang inalatag ng pulisya para sa agarang ikadarakip sa apat na hindi pa nakikilalang suspek, kabilang ang mahigpit na karibal sa pag-ibig ng biktima.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Edsel Dela Paz ng Station Investigation Division ng Malabon Police, dakong alas 2:00 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa tapat ng isang funeral homes sa nasabing lugar.

Nagselos ang isa sa suspek matapos itong kalasan ng dating kasintahan nito at sumama sa biktima.

Dahil dito hinarang nga mga suspek ang biktima habang naglalakad ito mula sa isang lamayan.

Kinuyog at pinagbubugbog ang biktima at isa sa suspek ang nagbunot ng patalim at inundayan ito ng saksak sa likuran na agad iknabagsak nito sa daan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek dala ang ginamit na patalim habang  ang biktima ay agad namang  dinala sa nasabing gamutan. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply