Kelot na ayaw magpa-BJ tinarakan ng bading

AGAW-BUHAY ngayon ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng isang bading nang tumangging magpa-blow job sa Pasay City, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Francis Rusema, house helper ng 90056-5A Manlunas St. Villamor Air Base, natuarang lungsod at nilalapatan ng lunas sa Pasay City Genedral Hospital bunga ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, kasalukuyan namang nakapiit sa himpilan ng SIDMS ang suspek na kinilalang si Jesus Robosa, alyas “Jessica,” beautician, at residente ng 17th st. Villamor Air Base,
Pasay.

Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente ganap na alas-2:15 ng madaling araw sa kanto ng 10th St. at Malunas St., sa naturang lugar.

Sinasabing magkakasamang nag-iinuman ang suspek at ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan nang makursunadahan ng suspek na makipagtalik sa biktima ngunit tumanggi ito dahilan upang mapahiya sa kasamahan.

Dala ng pagkalango sa alak, nadampot ng suspek ang isang kutsilyo at undayan ng saksak sa dibdib at sikmura ang biktima na nahandusay na duguan.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima at naaresto ng mga tauhan ng barangay ang suspek na sinampahan ng kasong homicide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply