Kelot na nandakma ng boobs ng buntis kulong

KULONG ang isang lalaki matapos dakmain at lamasin ang dibdib ng isang buntis habang bumibili ng kape ang huli sa Caloocan City Linggo ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness si Denmark Ibabao, 25, ng Araneta Avenue, nasabing lungsod.

Base sa ulat, dakong 12:20 ng madaling-araw, bumibili ng kape ang biktimang kinilala lang sa pangalang Joan, 20, ng PNR Cmpd., Caloocan City sa tapat ng Araneta Mall sa Monumento nang lapitan at daklutin ng suspek ang dibdib ng biktima.

Sinabihan pa ng suspek na pokpok ang biktima na tatlong buwan buntis bago umalis.

Dahil dito ay humingi ng tulong si Joan sa mga nagpapatrulyang pulis na naging dahilan upang damputin ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply