Kelot nagbigti matapos iwan ng live-in partner

ISANG 23-anyos na lalaki ang nagbigti makararaan umanong hiwalayan ng kanyang live-in partner sa Quezon City Sabado ng hapon, Agosto 27.

Kinilala ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima na si Reijan Vincent Banag. Si Banag ay natagpuang patay matapos magbigti.

Ayon kay SPO1 Jun Mortel, desk officer ng QCPD-CIDU, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 1:00 ng hapon sa loob ng kanilang bahay sa 178 3rd. St., Bituon Circle, Bgy. Commonwealth, QC.

Sinabi sa ulat na natagpuang walang ng buhay ang biktima sa terrace sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima at nakabitin gamit ang isang nylon cord na itinali nito sa biga ng kanilang bahay.

Ayon sa ulat hindi nakayanan ng biktima ang kanyang problema matapos umanong iwanan ng kanyang live-in partner at hindi nakikita ang kanyang anak. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply