Kelot nagpatiwakal sa Albay

NAGPATIWAKAL ang isang lalaki dahil sa problema sa kanyang pamilya gamit ang isang granada, madaling-araw ng Agosto 13.

Nabatid na bandang 4:00 ng madaling araw nang magpakamatay si Erwin Palakay y Padron, 35, ng Brgy. Magurang, bayan ng Polangui, Albay, tubong tubong Tabugan, bayan ng Claveria, lalawigan ng lambak ng Cagayan.

Napag-alaman pang mahigit isang taon na umanong hiwalay ang mag-asawa kung saan sa Cagayan Valley na naninirahan ang biktima kasama ang dalawa nitong anak.

Umuwi umano sa Polangui, Albay ang biktima kung saan naninirahan ang asawa na hindi pinangalanan kasama niya ang kanyang anak na babaing 5-anyos.

Hinihinala naman ng pulisya na dala ng biktima ang granadang ginamit nito sa pagpapakamatay kung saan nagtamo ito ng mga tama ng shrapnel sa tagiliran nito.

Nabatid pa na bago magpatiwakal ang biktima ay humingi pa ito ng ballpen at papel upang isulat ang contact number ng kanyang kaanak.

Kasalukuyang nasa funeral parlor na ang bangkay ng biktima habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang awtoridad sa tunay na dahilan ng pagpapakamatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply