Kelot patay sa boga

TODAS ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos itong barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay naglalakad Sabado ng gabi Aug. 26 sa Caloocan City.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng mga tinamong bala ng baril sa katawan ang biktima na inilarawan lamang ng pulisya na nakasuot ng denim short, black t-shirt at may tattoo na “Sputnik” sa kanang hita.

Masusing imbestigasyon ang ang isinasagawa ng mga awtoridad upang maaresto at matukoy  ang pagkakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB) ng Caloocan-PNP, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Heroes del 96 Barangay 73, Caloocan City.

Ayon sa nakasaksing si Mario Natividad, kasalukuyan nitong minamaneho ang kanyang motorsiklo habang binabaybay ang kahabaan ng naturang lugar nang makarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril.

Agad niyan nakita ang nakahandusay na biktima habang naliligo sa sariling dugo kung saan nagawa pa nitong humingi ng tulong.

Agad namang dinala ni Natividad ang biktima sa naturang pagamutan subalit hindi narin ito umabot ng buhay. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply