Kelot pinutulan ng ari, dila sa Misamis oriental

NATAGPUAN ang isang bangkay ng lalaki na brutal na pinaslang kung saan pinutol ang kanyang ari at dila sa Initao, lalawigan ng Misamis Oriental.

Nabatid na nagtamo pa ng 34 na saksak sa katawan ang biktimang si Warren Dacumo, 34, may-asawa at residente ng Relocation Site, Calaanan, Cagayan de Oro kung saan natagpuan ang bangkay nito sa damuhang bahagi ng Brgy. Gimangpang sa nasabing bayan

Isinilid sa sako ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo at hinihinalang hinampas ito ng bato dahil nabasag pa ang bungo nito at sinunog pa ang dibdib.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang malaman ang tunay na motibo ng pamamaslang at kung sino ang responsible sa karumal-dumal na krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply