Kelot sinaksak ng kapitbahay

KRITIKAL ang isang lalaki matapos saksakin ng anak ng kaaway ng una sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Agosto 19.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa likod si Geraldo Daez, 45, ng Phase 1-B, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na si Cristopher Bolante na kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, nakasagutan ng biktima ang ama ni Bolante na si Melito sa labas ng kanilang bahay.

Lingid sa biktima, nagpunta sa kanyang likuran ang suspek at walang salitang pinagsasaksak si Daez.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa EAMC ang biktima. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply