Khan iprinotesta ni Judah

PORMAL nang naghain si Zab “Super” Judah ng kanyang protesta sa Nevada Athletic Commission laban kay Amir Khan sa kanilang laban kamakailan.

Pinadalhan din ni Judah ng liham ang WBA at IBF kung saan hiniling niyang ipag-utos ang isang rematch sa pagitan nilang dalawa ni Khan.

Inireklamo ni Judah sa kanyang liham ang hindi umano pagpansin ng referee sa low blow na siyang tumapos ng laban.

Nangimi rin umano ang reperi na parusahan si Khan sa kabila ng ilang beses na  pagtama ng mga sapak nito sa kanyang batok.

“We know Zab was behind on the scores cards but there are numerous examples in boxing history where boxers that were behind came back with a knockout. The fact that Zab was behind has no bearing on whether the low blow call was wrong. We still had seven more rounds to fight. Zab still could have won, but that opportunity was wrongfully taken away from him,” wika ni Bill Halkias ng Super Judah Promotions.

Binigyang diin naman ni Promoter Kathy Duva ng Main Events na bago husgahan ang reperi ay dapat rebyuhin muna nang maigi ang video tape.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply