Kiko nanawagan ng ceasefire sa NDF

HINIKAYAT ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang government peace panel at National Democratic Front (NDF) na magdeklara ng ceasefire o tigil putukan upang maipakita ang interes at sinseridad sa paghahanap ng landas tungo sa kapayapaan.

Ayon kay Pangilinan, hindi makakaasa ang dalawang panig na makapag-usap ng kapayapaan habang walang humpay ang bakbakan at sagupaan sa kanayunan na nangyayari sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan.

“A ceasefire and a truce must be seriously considered as a mean to give way to formal talks,” aniya.

Idinagdag pa ni Pangilinan na lubha nang dinurog ng ilang dekadang insurhensiya ang Pilipinas na nagdulot ng pagkamatay ng libu-libong buhay kabilang ang mga inosenteng sibilyan na naipit sa sagupaan.

Bukod dito, nauubos din ang pondo ng pamahalaan sa pagtugon sa armadong pakikibaka ng rebeldeng grupo na dapat nailaan o nagamit sa paghahatid ng pangunahing serbisyo sa mamamayan.

“I say this again and I would like to stress that no progressive nation became prosperous while facing armed conflict. A declaration of ceasefire could pave the way to the development of war torn areas in the country. This would solve the number one cause of insurgency – poverty. The peace initiatives during the Ramos presidency gave rise to highly developed cities such as General Santos, Cagayan de Oro, and Davao City. Who’s to say the same cannot happen again?”  paliwanag ng senador. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply