1, 200 MMDA ipinoste sa killer highway

PARA matutukang maigi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ikinasang 60 kph speed limit at bus tagging scheme sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, nagpakalat ng traffic enforcers para manghuhuli ng mga lumalabag sa polisiya.

Ipinoste ng MMDA ang may 1,200 enforcers sa Commonwealth Avenue na may habang 12.4 kilometro ang tinaguriang Killer Highway, partikular sa Eastbound na bahagi nito.

Bukod sa panghuhuli ng mga lumalabag sa 60 kph speed limit, tagging scheme, binabantayan na rin ng mga enforcer ang mga colorum na sasakyan na dumadaan sa nasabing lansangan.

Samantala, umaabot na sa 86 bus units ang nasampolan ng MMDA matapos hindi tumugon sa tamang panuntunan ng tagging scheme.

Kabilang sa mga natiketan ang mga bus na gumamit lang ng sticker sa halip na ipintura ang numero ng kanilang plaka gaya ng Mafel Trans, Reynalyn, Jell Transport, CEM Trans Incorporated at iba.

Nilinaw naman ni MMDA Chair Francis Tolentino na hindi muna nila kinumpiska ang  lisensya ng mga drayber na lumabag sa tagging scheme maliban nalang kung uulit pa  ang mga ito sa loob ng isang araw.

Pangamba ng MMDA, madali kasing mapalitan ang plaka ng bus kung sticker lang ang gagamitin sa mga sasakyan.

Pagmumultahin ng P500 para sa unang paglabag habang kanselasyon naman ng prangkisa ang sinumang mapapatunayang lalabag sa nasabing polisiya.

Nakatakda namang palawakin ng MMDA ang tagging program sa pamamagitan rin ng pagpipinta ng plaka ng mga provincial buses, Asian utility vehicles, school shuttle service, taxis at cargo trucks sa darating na Oktubre.

Layunin umano ng ahensya na masawata ang colorum sa bansa na nagdudulot ng mabigat na trapiko sa mga lansangan sa pamamagitan ng mga nakakabit na closed-circuit TV (CCTV).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply