Kim Chiu hindi na ipinagpaalam si Matteo Guidicelli kay Maja Savador

SA kanyang solo presscon para sa pinagbibidahang primetime teleserye na My Binondo Girl, natawa na lang at biglang natawa itong si Kim Chiu nang tanungin siya kung nagpaalam ba siya sa kaibigang si Maja Salvador na isasama niya si Matteo Gudecelli sa shooting nila sa Hong Kong para sa ilang mga importanteng eksena sa kanilang teleserye.

Say pa ni Kim, bakit naman kailangan pa niyang magpaalam kay Maja eh hin -di naman raw niya dyudyowain itong si Matteo at trabaho lang naman ang ginagawa nila ng actor.

Isa kasi si Matteo sa tatlong leading-men ni Kim rito kasama sina Jolo Revilla at Xian Lim. Aba, sa tatlo, ang pinakagalante raw na laging nagdadala sa set ng siomai ay itong si Jolo samantalang puro chika lang ang ibinibigay nina Matteo at Xian pero nag-eenjoy naman daw siya sa company ng mga ito lalo na kapag binibisaya siya ni Matteo at sinasagot rin niya ng same dialect.

Uy! sobrang dusa at hirap si Kim sa kanyang role bilang si Jade na dahil sa kagustuhang mapalapit ang loob sa kanya ng amang chinese na si Chen Sy (Richard Yap) ay nagpanggap ito na siya si Yuan, namayapang kapatid niya na mahal na mahal ng kanyang Daddy.

Siyempre, dahil mahinhin raw siya in real life ay nahirapan talaga nang husto ang nasabing sikat na young actress sa portrayal niya bilang lalaki. As in, kapag take na ay pinabebendahan ng director nilang si Malou Sevilla ang kanyang dibdib para maging flat at magmukhang guy talaga siya.

Medyo makati rin daw ‘yung bigoteng gamit niya at nagba-bike talaga siya rito at rubber shoes at damit lalaki. Pero sulit naman daw dahil malaking bagay ‘yung pinagkatiwalaan uli siyang bigyan ng ABS-CBN ng another primetime show kung saan suportado siya ng sobra-sobrang hinahangaan niyang mga artistang tulad nila Ai-ai Delas Alas, Cherry Pie Picache at Gina Pareho na laging nakaalalay sa kanya at binibigyan siya ng tips sa acting.

Ka-join rin ni Kim sa Binondo Girl sina Ricardo Cepeda, Glydel Mercado at marami pang iba. Nahihiya man ay labis-labis na nagpapasalamat si Kim sa kanyang Kapamilya network sa titulong ibinigay sa kanya ng istasyon bilang Prinsesa ng Primetime. Palabas na ang My Binondo Girl simula August 22 pagkatapos ng 100 Days to Heaven.

***

Sobrang marami ang naaliw sa ginawang exclusive One-on-One interview ni Kuya Boy Abunda sa pangunahing bida ng blockbuster movie na Ang Babae Sa Septic Tank na si Eugene Domingo at iba pang mga sikat at controversial celebrity sa The Buzz.

Paano, kadalasan ay hindi kinakaya ng guest ni Kuya ang kanyang last O final question kaya kaysa sagutin ay walk-out na lang na kino-call naman ng King of Talk dahil bago pa nito itanong ang super intriguing question ay sinasabihan niya ang kanyang live guest na puwedeng sagutin nito o hindi ang nasabing revealing question.

Like ‘yung tanong nga kay Eugene kung para sa kanya ay sino ang best station na nakatrabaho na niya ABS-CBN ba o GMA 7 at TV5, instead na magkomento ay minabuti na lang ng sikat na komedyana na itikom ang bibig at sabay walk-out na nagdialogue pa at pasigaw nang Taxi (joke niya sasakay siya sa taxi cab). Ang maganda sa globally famous na TV host/producer/philanthropist ay very cool and relax siyang mag-interview.

Mapi-feel mo talaga ang husay at sincerity niya bilang host.

Idagdag mo pa riyan na kaya siya pinagitiwalaan ng mga artista sa isyung kinasasangkutan ay dahil sa punung puno siya (Kuya Boy) ng kredibilidad. Makikita mo naman talaga ‘yan sa aura ni Kuya Boy na nangagaling sa puso ang lahat ng kanyang mga ipinapakita. Hindi lang siya haligi ng The Buzz kundi malaking asset din sa nasabing number one Sunday showbiz talk show sa National ratings. Kasama rito ng King of talk ang kanyang three lovely and talented co-hosts rin na sina KC Concepcion, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales. It’s being aired at 4:30 PM, right  after Good Vibes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply