Kim Chiu lagot sa dating syota

MERESE ka Inday! Talagang lagot ka kay Gerald Anderson! Paano naman kasi, tsika nang tsika pero hindi iniisip ang magiging pupuntahan ng mga sinasabi. Kaya naman, agad nagpaliwanag ang bida ng “My Binondo Girl” na si Kim Chui nang konprontahin namin siya kung ano ang ibig sabihin nito sa pagtawag na ‘lumot’ sa kanilang naging relasyon ng aktor.

“Naku, tienes lang ‘yun, hehe! Naku, papagalitan ako niyan ni Gerald, huwag mo nang isulat, please,” request nito nang nagkasalubong kami sa hallway ng ng Dos. Sa ginanap na presscon ng My Binondo Girl kamakailan ay napaligiran si Kim ng mga tisoy na leading man maliban kay Jolo Revilla na Pinoy na Pinoy. Si Xian Lim ay mestisong Intsik at si Matteo Guidecelli naman, mestisong Italyano.

Natanong siya kung naka-move on na siya sa kanyang break sa aktor na mestisong Kano, “Oo naman, sobrang naka-move-on. Pulang-pula nga eh, ang heart ko ngayon at pinkish pa.”

So, ano ang kulay ng relasyon ninyo noon ni Gerald? “Lumot po,” agad nitong sagot. Medyo nag-isip ang press kung anong gustong tukuyin nito. Kulay berde ba ito o baka naman, instead of salitang ‘limot’ ay lumot ang kanyang nasabi. As in, nakalibing na sa limot ang kanilang relasyon ni Gerald.

Heto na nga ang siste, ngayon lang naisip ng aktres na posibleng magagalit sa kanya ang kanyang ex kaya nga, nag-request na huwag isulat.

Puwede kong hindi isulat pero papaano ang ibang press na sa harapan niya mismo na nakikinig sa kanya? so funny, indeed!

Nakatutuwa naman si Direk Malu Sevilla, direktor ng bagong teleserye sa Primetime Bida na magsisimula na sa Lunes, sa naging pahayag nito. Tinanong siya kung sino sa tatlong leading man ang kanyang napupusuan, “Huwag na ninyong guluhin ang aking lesbian heart. Ha ha ha!”

Speaking of puso, napasigaw si Kim na huwag siyang pagdudahang tomboy. She is refering sa kanyang karakter na babaing pilit maging lalaki dahil ‘yun ang gusto ng kanyang Chinese father.

At sino naman kaya ang hindi magdududa sa kanya sa tanong kung totoong naging lalaki siya, sino ang matitipuhan nitong mga chicks? Mga sexy girls ang pinangalanan nito at isa na doon si Ann Curtis. Mahilig talaga sa white leghorn!

Earlier habang nasa Gram Diners kami ay napapanood namin ang “Maria La del Barrio” ni Erich Gonzales at Enchong Dee at nagulat at nag-isip kami dahil andun si Ai-Ai delas Alas playing mother to Erich.

Teka, teka! So, sa Lunes ay mapapanood si Aileen sa Maria del Barrio and then after TV Patrol and “100 Days To Heaven,” mapapanood uli siya bilang ina kay Kim sa ‘My Binondo Girl?’ Ang lakas ng dating, ‘kaw na!

Mabuti na lang at nasa loob ng resto si Erik John Salut at ipinaliwanag na guest role lang ang komedyana sa Maria La del Barrio at matitigok agad.

Kasama ni Kim si Direk Malu nang nakausap namin siya tungkol kay Ai-Ai at gan’un din ang kanyang naging paliwanag. Mabuti na lamang nandoon sina Erik John at Direk Malu dahil nalaman ko ang true story.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply