Kimeralds walang bilang sa buhay nina Kim, Gerald

MATAGAL nang napatunayan na hindi na puwede yung pananakot ng Kimeralds, ang fan base nina Kim Chiu at Gerald Anderson bilang love team. Matatandaang, this group of fans figured in some controversies at nagkaroon naman sila ng tinatawag na few minutes of popularity.

Na kesyo nga raw sila’ng buhay ng career nina Kim at Gerald at kung mawawala sila sa eksena, mawawalan ng career ang dalawa.

There were even times na nagtangka pang papatay ang grupo kung sakali para sa dalawa.

But like we say, nawalan ng saysay ang mga banta ng grupo dahil nakita natin kung paano naging topnothch ang pelikulang pinagsamahan nina Gerald at Kim. Kumbaga, yung sumpa nilang di nila susuportahan ang pelikula nina Sarah at Gerald went on nothingness dahil nga kulang na lang koronahan ang dalawa bilang box-office king and queen.

Ayaw pa rin nilang tumigil ngayon. Heto nga, may bagong soap si Kim Chiu, ang “My Binondo Girl” at kesyo di raw sila susuporta.

Sabi nga ng isang kolumnista, wait lang tayo sa resulta sa ratings. Kung maghi-hit ito, belat na lang sa Kimeralds. Goodbye na lang sa kanila’t maghanap ng bagong iidolohin. At magpalit na lang sila ng bagong pangalan para sa grupo.

Heto nga, may parating pang teleserye si Gerald, at tingnan din natin what awaits it. Will it survive the ratings even without the support of the Kimeralds?

And speaking of Kim and Gerald, parehong nag-issue ng official statement ang dalawa na they both moved on na from their past relationship. This means na masaya na sila out of each other’s life kahit wala na silang pakialaman, as separate entities sa showbiz, the two are moving on. Ganito nga ang statement ni Kim Chui tungkol sa isyung ito.

“Oo naman. Move on na tayo. Matagal na ‘yun.”

Sinagot naman ni Gerald ang mga pahayag na ito ni Kim.

Natutuwa raw siya at naka-get over na sa kanya si Kim.

“I’m glad she has already gotten over me. Ako rin naman naka-get over na rin. We still remain as friends naman hanggang ngayon,” pahayag ni Gerald.

Ano ang masasabi niya sa punton na ayaw pa ring pumayag ang Kimeralds na magkaroon sila ng ibang kapareha ni Kim?

Tulad ngayon sa bago niyang teleserye na “Budoy” kung saan si Jessy Mendiola naman ang kanyang bagong leading lady.

“Iilan na lang naman silang Kimeralds na ayaw talaga eh. Karamihan sa fans namin ni Kim, tanggap nang pumareha kami sa iba. I mean, wala naman kasi kaming choice ni Kim, trabaho ito kaya kailangan naming gawin. It’s the management’s choice na maghiwalay muna kami ng shows.

At saka healthy na rin ito sa careers namin, kasi nagkakaroon kami ng pagkakataon na makatrabaho naman ang ibang artista,” paliwanag ni Gerald.

Sa kasalukuyan, nili-link si Gerald kay Sarah Geronimo.

Inamin ni Sarah na si Gerald daw ang bagong nagpaparamdam sa Pop Princess ngayon.

“Sarah and I have been getting close this past weeks kasi nga lagi kaming nagkakasama sa event, tapos sisimulan na rin namin ang follow-up movie namin sa Viva and Star Cinema. Pareho kaming concentrated ni Sarah sa work namin kaya wala munang nangyayaring ligawan. Hindi naman kasi kailangang pilitin ‘yun. Kung mangyayari ‘yun, mangyayari ‘yun,” say ni Gerald.

So there!

***

NAKAKAIIYAK naman pala ang buhay na pinagdaanan ni Romano Vasquez bilang talamak na addict.

Umiikot na naman sa mainstream si Romano Vasquez. We got to meet this once-upon-a-time-popular young talent from That’s Entertainment of Kuya Germs sa birthday party ni Roldan Castro sa R Bistro. Kinumpirma sa amin ni Romano na true yung napasulat sa kanya na halos naging taong grasa na lang siya noong panahong lulong siya sa bawal sa gamot. Totoo rin daw na nalustay ang milyong kinita niya sa kanyang kasikatan at kung hindi pa dahil sa mga taong kinandili siya, hindi magbabago ang takbo ng kanyang buhay.

“Ayaw ko na, ayaw ko na talagang ulitin ang mga pagkakamali ko. Natikman ko na yan, alam kong nakasama sa akin at mas lalong ayaw kong muling mapirawa,” sabi pa ni Romano sa amin.

Sa ngayon daw, concentrated siya sa second wind ng kanyang career. Kahit paano raw, maraming tao nga ang susuporta sa kanya, umaasa raw siyang makabalik siyang muli sa eksena. “Basta ngayon, concentrated ako, gusto kong magbalik sa showbiz. Gusto kong maging part ng telebisyon industry, sana dumami pa’ng taong tutulong sa akin,”sabi pa nito.

Romano, according to him is engaged in some small business ventures. “Kahit paano, malaki rin ang capital, sana naman umasenso, sana mabalik ang puhunan,” sabi pa nito.

Gustung-gusto namin yung kuwento ni Romano kung paano niya natikmang magsisi at ayawan na nang tuluyan ang pagiging addict. “Nawalan ako ng pera. Nasa bahay ako ng tulak ko, sa ilalim ng mesa ako natutulog. Hindi alam ng mga taong gumagamit doon na andun ako sa ilalim ng mesa, doon na ako natutulog dahil wala na akong ganang umuwi pa. Umiiyak ako, ano ba ang buhay ko? Bakit ako ganito? Ang alam ko, tinitilian ako, kahit paano, sikat ako, kahit paano may pumapalakpak sa akin kapag nagpe-perform ako, pero nasaan ako? nasa ilalim ako ng mesa at walang wala.”

So yun daw talaga ang naging wake up call niya para ma-realize at magbago na.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply