Kinaiimbiyernahan ng director, staff: Silahistang comebacking actor, feeling fashionista sa kanilang epic serye

TUWING nagre-report sa set ng kanilang epic serye ang silahistang comebacking actor ay kinaiinisan ito ng kanilang director at production staff.

Pano kasi instead na memoryahin na nito ang kanyang mga linya ay may iba siyang pinagkakaabalahan at ito ay ang kanyang isusuot sa serye na kadalasan ay naka-datu outfit lang naman dahil ito ang kanyang role.

Aba! hitsura ng stylist ang drama ng hitad dahil talagang pinupuntahan nito ang kanilang wardrobe consultant at nagri-request siya na dapat mas bongga ang kanyang outfit kaysa sa mga co-actor. Hayun, dahil sa kaartehan ng baklitang ito na nagpapaka-macho pa rin tinilian siya ng tomboyita nilang direktora at pati staff ay dine-deadma na rin siya. Ha’y naku! kung ‘yan ang feel ni bisexual na actor bakit hindi na lang siya mag-apply na stylist at wardrobe consultant nang mapagbigyan niya ang talagang gusto niyang gawin sa buhay. Kailangan pa ba ng clue gyud? Ha’y naku! Ask nyo na lang sina LF at ML ‘no? at tiyak ibubulong ng mga celebrity ito ang tunay na identity ng balbonic pa namang bading na actor.

Ang taray! Gusto pang talbugan si Marianita Maldita.

****

Bea Alonzo muli na namang iniwan ni Robin Padilla sa ‘Guns And Roses’

GRABE ang sakripisyo nina Abel (Robin Padilla) at Reign Santana played by Bea Alonzo sa kanilang pagmamahalan sa inaabangang teleserye sa Kapamilya Primetime Bida na Guns and Roses. Kung kailan pa sobrang in-love na at gustong laging makita at makasama si Abel, dumating na naman ang pagkakataon na kailangang maglihim ni Abel kay Reign na ang paalam niya sa nobya ay magtatrabaho muna ito sa Davao.

Pero ang totoo, para tuluyan nang maiganti sa mga taong may gawa kung bakit nabaliw ang amang pulis at upang maprotektahan si Reign sa grupo ni Samuel Contreras (Lito Pimentel) na rating kasamahang pulis ng kanyang tatay at ngayon ay namumuno na ng malaking sindikato na matagal nang wanted sa Sting, kung saan isa sa agent dito si Abel. Sasama siya sa grupo at madali namang nakapasok dahil may malaking utang na loob sa kanya si Samuel na kanyang iniligtas sa kapahamakan.

Pero dumadaan ngayon si Abel sa matinding pagsubok para lubos na pagtiwalaan ni Samuel lalo pa’t napakahigpit ng bilin sa kanya ng kanilang  Ma’am sa Sting na si Pinky Amador na dapat para magtiwala sa kanya si Samuel ultimo kaliit-liitang detalye ng kanyang tunay na pagkatao ay dapat hindi ito malaman ng sinamahang sindikato. May tauhan si Samuel na sobrang inggit kay Abel kaya ginawan niya ito nang kuwento bagay na ikinagalit ng husto ni Samuel at sinabihan pa ang binata na bakit siya nito ikinanta sa mga pulis. Malusutan kaya ni Abel ang lahat nang ito?

Samantala, may ibinigay ng dokumento itong si Allan Paule kay Ms. Dianne (Gladys Reyes) kung saan binayaran siya nito ng halagang P2 milyon.

Ang nasabing document ay ang bahay nila Reign na gustong maangkin ni Dianne dahil gusto nitong magdusa at maghirap ang babaing kinaiingitan.

And this week episode ng Guns and Roses tiyak na umaatikabong aksiyon at drama ang inyong mapapanood. Kaya huwag bibitiw sa panonood gabi-gabi sa teleseryeng ito pagkatapos ng “100 Days to Heaven.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply