Kiray kakabugin sina Julia Montes, Kathryn Bernardo sa pakikayan

NUNG nakaraang episode ng “The Buzz” ng King of Talk na si Boy Abunda ay pina-guest ang leading tandems ng “Growing Up,” ang pinakabago’t pinakamasayang barkadahan sa ABS-CBN network na mapapanood na ng madlang pipol simula September 4.

Siguradong ang naturang pambagets na TV show ay kababaliwan ng mga bagets, the older young ones and the young once  TV viewers dahil sa ito ay pinangungunahan ng parehong maiinit sa ratings war na mga dalaginding na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.  Na if you still don’t know ay maswerteng nakulusot sa kanilang acid taste ‘ika nga bilang bankable teen stars sa prime TV via the superhit teleserye “Mara Clara” at pati na sa kanilang most recent and overwhelmingly successful crossover sa film medium na “Way Back Home” now on its third week of showing. Habol kayo.

Pre-sold  ang partnership nila  Julia Montes sa bagets na si Diego Loyzaga na anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na kung saan ang kanilang relationship ay naging hot fodder din ng showbiz for a time. That’s what I mean by pre-sold sa mga TV viewers.

Si Kathryn Bernardo naman ay ipinareha kay Daniel Padilla, anak ni Karla Estrada at Rommel Padilla (whose last film was “Seksing Masahista” opposite Ramona Revilla),  kapatid ni Robin Padilla. Oh di ba malakas din ang  recall value nitong pamangkin ni Robin Padilla sa madlang pipol?

Nasa studio mismo kami ng “The Buzz” witnessing how the two tandems were ushered onstage accompanied with such grating uproar and howls from their respective fans habang sila ay iniinterbyu gamely ng sobrang kakikayang estilo ni Toni Gonzaga.

Tandems lang nila Julia-Diego at Kathryn-Daniel ang andun at wala ang iba pang bagets cast na sina Neil Coleta, Yen Santos, EJ Fallurin, at Kiray na natandaan pa namin ang sobrang husay at kwela nitong sumagot sa mga tanong na ipinukol sa kanya sa isang previous press brief over merienda cena.

Mantakin mong walang kaabog-abog na sabihin sa sarili na siya ay isang pangit as in, ngunit nag-iisang breadwinner sa pamilya. Marami raw siyang raket kahit walang TV assignments dahil siya ay kumakanta sa ka-probinsyahan at may boses naman somehow. We heard her sang last time at the victory party of Sen. Bong Revilla and passable naman ang boses niya para sa amin. Siguradong si Kiray ay maging scene stealer sa “Growing Up.”  And she possesses strong comedic potentials. She might just follow in the footsteps of Pokwang and Ai-Ai delas Alas. Watch out.

Anyway habang patapos ang interbyu ni Toni G. sa dalawang tandems, bigla ba namang bumulahaw ang napakalakas na sigaw na sobrang choreographed at orchestrated ng isang grupong maka-Kathryn sabay sabi in unison ng, “We love you Kathryn!”

Napalingon tuloy si Julia Montes at halatang na-taken aback siya sa nakakairitang sigaw na ‘yun. Bakit nga naman si Kathryn lang? If you ask me the battle begins between the fans of Julia and Kathryn. I’m sure the fans of Julia won’t take that situation sitting down.

Or for that matter Julia herself. An observation like this is possible only when you breathe the same air with that of the stars “in situ” (a Latin term pronounced “in sitoo”) or in its original place as is where is. I was right there, didn’t I tell you?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply