Kissing scene nina Mart Escudero, Kerbie Zamora buong araw ni-rehearse

PAREHONG bumigay sina Mart Escudero at baguhang actor na si Kerbie Zamora sa eksena nilang halikan sa movie na “Zombadings” na sinabi nila pareho sa interview sa kanila sa “Paparazzi” ng TV5.

Ayon kay Mart Escudero, buong araw nilang ni-rehearse ang eksena. Kasi, bago nangyari ang halikan nila na bigay na bigay sa pelikula ay marami pa silang gagawing pag-arte. Pero, yung halikan daw nila ay sa final shot nila ginawa.

Ibinigay na nila para wala na raw paulit-ulit. Di naman makakaiwas dahil nasa script talaga at mahalaga sa istorya.

Sabi ng baguhang actor na si Kerbie, talagang na-internalize niya ang character kaya niya nagawa sa kauna-unahang pagkakataon na pakikipaghalikan sa kapwa lalaki. Saka, actor lang sila na ginagawa ang anumang ikagaganda ng movie na naaayon sa script at tagubilin ng director na talagang kailangan. Ang Zombadings ay may premiere night sa SM Megamall sa August 30 at ipalalabas na rin nang linggong iyon.

***

KINAKITAAN ng potential sa acting ang tatlong bida ng Tween Academy Class of 2012 na sina Bea Binene, Elmo Magalona at Barbie Forteza. Tatlo silang magkakabarkada na inaawayan ng grupo dahil hindi sila “in.” Pawang may highlights ang characters ng tatlo sa pelikula at halos umikot sa tatlo ang kabuuan ng istorya.

Isang tomboyish gal si Bea rito na bestfriend at kababata niya si Jake Vargas. Halos umikot ang buhay niya rito, ang kaso, no pansin naman siya rito. Ang type pala ni Jake ay ang mestisang si Lexi Fernandez.

Si Elmo naman ay napagkakamalan na bading dahil ang barkada niya’y dalawang babae, sina Bea at Barbie. Pero nawala ang duda sa kanyang kasarian nang nakita niya ang reliever teacher nila sa Trigometry na si Sam Pinto. Unang kita pa lang niya rito ay nagka-crush na siya. Hot Girl ang tawag niya rito.

Si Barbie naman ay mahilig makipag-chat sa computer. Nagbebenta siya ng mga old imported comics. Isang buyer niya ay si Joshua Dionisio. Sa pag-chat nila ay na-develop ang friendship nila hanggang magkikita na sila para makuha ni Joshua ang biniling comics.

Parehong natakot ang dalawa na makita ang isa’t isa. Kinutsaba ni Barbie ang pinsang si Louise de los Reyes, samantalang si Joshua ang buddy-buddy niyang si Alden Richards ang kinausap niya.

Kaya pagkakita nina Joshua at Barbie, ibang tao ang nagpakita at nagpanggap ng kanilang pangalan.

Hanggang magka-in love-an sina Alden at Louise. Nagselos si Barbie kay Louise. Pero si Joshua naman ay na-in-love kay Barbie secretly at madalas na silang magkita. At the end ay nagkabukingan. Parehong happy endings ang mga couple.

Si Elmo lang ang hindi natuloy dahil mas matanda si Sam sa kanya. Pero, nagkaroon sila ng smuck kissing scenes. Nakilala naman ni Elmo sa huli si Julie Anne San Jose.

***

KINUKUNSIDER nang superstar sa telebisyon ang taltong batang bida sa “Munting Heredera” sa characters nilang sina Jennifer, Calila at Mishelle. Bukod kasi sa matatandang bidang sina Mark  Anthony Fernanez, Camille Prats at Gloria Romero, hindi rin maaalis ang dinalang suwerte sa ratings game ng mga bata. Dahil sa galing ng tatlong bata, marami ang natutuwang panoorin sila gabi-gabi.

Patunay na sikat ang tatlo ay ang request na i-guest sila sa iba’t ibang programa ng Kapuso network. Napanood namin sila sa “Unang Hirit” at talagang nag-enjoy sila sa paglalaro nila sa isang mall na maraming palaruan ng mga bata. Siyempre, unti-unting nalalaman namin ang pagkatao ng tatlong bata.

Nakatutuwa sa interview ng tatlo ay ang pagsasabi nilang magkakaibigan sila sa set. Magkakalaro sila para hindi antukin habang nag-intay ng take. Pero pag inaantok na sila ay natutulog silang tatlo ng sabay. Halos magkakaeksena lagi silang tatlo.

Hilig daw talaga nila ang pag-aartista. Nakapasa sila sa mga audition bago sila napili ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Sa istorya, namatay na si Katrina Halili bilang pangunahing villain. Sino kaya ang papalit sa ganitong characters dahil matagal pang mapapanood ang Munting Heredera dahil No. 1 ito ngayon sa primetime soap.

***

HINDI kasasawaan sa umaga ang magaling na TV host na si Amy Perez, bukod sa “Face To Face” tuwing umaga, Monday to Friday, mapapanood pa rin siya sa “Sapul sa Singko” na pang-umagang show ng TV5. Ayon kay Ariel Villasanta, ang bagong makakasama sa Sapul tuwing umaga, hindi mo panghihinayangang makasama si Amy dahil magaling sumalo sa mga live na usapan pero nakakabalik sa temang pinag-uusapan.

Sa Face to Face, aabangan ngayong Monday ang tampok na istorya ng among lalaki at katulong na nagka-in-love-an. Nagreact si misis at di pinasuweldo ang katu.

***

AYAW talagang magpatalbog ni Lovi Poe sa kanyang mga eksena sa “My Neighbor’s Wife.” Kasi nakasagupa niya sa acting ang co-Kapuso stars na si Carla Abellana. May tsika pa sa set na nagkakasapawan daw ang dalawa sa acting kapag naghaharap sa eksena. Pero idinedenay naman agad ito ni Lovi  dahil pareho raw silang professional at hindi magpapadala kahit anong lupit na intriga ang dumating sa kanila.

Pero, ano itong balitang nakarating sa aming kahit madalas silang magkasama ni Carla sa set ng movie, hindi raw naging magkaibigan ang dalawa?

Sila na lang ang tanungin natin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply