Klase ng pre-school, elementary sa Dagupan kanselado bukas

KINANSELA na ang pasok bukas sa pre-school at elementarya sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa Dagupan dahil sa nararanasang baha.

Asahan na rin umano ng mga residenteng lubog pa rin sa tubig baha ang mabagal na paghupa ng tubig dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa Pangasinan matapos manalasa ang bagyong Mina.

Ito ang pag-abiso ng pamunuan ng Agno River Basin Flood and Warning Center sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Sa kasalukuyan, nasa 12 mga barangay pa sa lungsod ng Dagupan ang lubog pa rin sa baha habang umaabot naman sa 14 sa bayan ng Calasiao.

Patuloy din ang pagtaas ng tubig-baha sa ilang barangay sa bayan ng Sta. Barbara, San Fabian, Binmaley, Malasiqui at lungsod ng Urdaneta.

Kaugnay nito, nasa mahigit 70 pamilya ang nananatili pa rin sa evacuation centers sa lungsod ng Dagupan dahil abot pa rin hanggang leeg ang taas ng tubig.

Pres-school, elementary classes kanselado sa Dagupan bukas

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply