Klase sa lahat ng antas sa Albay suspendido

NAGDEKLARA na ang pamahalaan sa buong lalawingan ng Albay na suspendido ang klase sa elementarya, high school at maging sa kolehiyo.

Ang suspensiyon ng klase ay inanunsyo ni Gov. Joey Salceda kaugnay sa ilulunsad na malawakang transport strike ng militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston).

Apektado rin ng transport strike ang Sorsogon, Masbate, Camarines Sur, Camarines Norte at iba pang bahagi ng Bicol.

Ang transport strike ay magkakasabay na ilulunsad sa buong Metro Manila at karatig lalawigan na naglalayong ipahayag ang paghadlang sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Piston secretary general, George San Mateo, kakalampagin nila ang gobyerno para aksiyunan ang kanilang kahilingan na bigtime rollback dahil P9 na ang overpricing ng mga kompanya ng petrolyo kasama ang Petron, Caltex at Shell.

Hiling ng ng transport group na alisin ang 12% VAT sa mga produktong petrolyo at ang pagbasura sa Oil Deregulation Law. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply