Klase sa NCR sinuspinde

SINUSPINDE ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga klase sa pre-school, elementarya at high school sa pampubliko at pribadong paaralan sa National Capital Region (NCR) ngayon, Agosto 2.

Ayon kay Rizalino Jose Rosales, officer-in-charge ng DepEd-NCR, napag-alaman ng kanyang opisina sa Philippine Atmospeheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  makakaranas ng malakas na pag-ulan ang Metro Manila kaya nagpasya silang suspindihin na ang mga klase sa NCR.

Wala ring pasok sa Calamba City sa Laguna, Rosario sa Cavite at Rodriguez sa Rizal.

Maraming kolehiyo rin sa Metro Manila ang nagsuspinde ng klase ngayon, partikular ang mga nasa lugar na madaling bahain.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply