Klase sa NCR sinuspindeng muli

SINUSPINDENG muli ng Department of Education (DepEd-NCR) ang klase mula pre-school hanggang high school sa National Capital Region mula 12:00 ng tanghali bunsod pa rin ng nararanasang pagsusungit ng panahon.

Nabatid na ang naturang kanselasyon ay para sa pribado at pampublikong mga paaralan.

Ayon kay DepEd Usec. Rizalino Devera, posibleng magdulot ng pagbaha sa maraming lugar ang mararanasang moderate to heavy rainfall ayon na rin sa Pagasa.

Bago ang naturang deklarasyon, nauna na ring nagkansela ng klase ang lugar ng Pasig, Muntinlupa, Taguig at Pateros.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply