Knights babarakuhin ang Chiefs

INAASAHANG mamimisikal ngayong hapon (Lunes, Agosto 23) ang Letran Knights laban sa Arellano U Chiefs upang palakasin ang pagkapit sa tersero puwesto sa second round eliminations ng 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

Kapit ng Kngihts ang 7-2 kartada habang ang katunggaling Chiefs ay may 3-6 rekord.

Nakatakda silang magharap sa ganap na 2:00 ng hapon at ang main event ay 4:00 ng hapon kung saan ang maglalaban ay ang Mapua Cardinals at College of Saint Benilde Blazers.

Kasalo ng Blazers ang guest team Lyceum of the Philippine U Pirates sa fourth spot na may parehong 4-5 card habang ang MIT ay nasa sixth to eighth place kasama ang AU at Jose Rizal University Heavy Bombers.

Samantala, nag-hahasik pa rin ng bangis ang San Sebastian College Stags matapos nilang lapain ang Emilio Aguinaldo College Generals, 99-63 kahapon, Agosto 22.

Malinis pa rin ang last year’s runner up SSC na may kartang 10-0 ng gumawa ng career-high 34 puntos, 14 rebounds at six assists si MVP contender Calvin Abueva habang ang kakamping si Stags center Ian Sangalang ay nagtumpok ng 18 markers at 25 boards.

Si Dino Daa ng Letran Knights ang may hawak ng record na 15 offensive rebounds na itinala noong 2007 at napantayan lamang ito ng 19 anyos na si Sangalang.

Tanging ang Legarda-based SSC ang walang dungis sa team standings ng nasabing pinakamatandang liga sa bansa matapos nilang dumihan ang defending champions San Beda College Red Lions noong Biyernes, (Agosto 19), 70-68.

Ibinuhos naman ng Red Lions ang kanilang galit sa host school Perpetual Help Altas matapos nilang sagpangin ang 69-55 panalo upang ilista ang 9-1 win-loss slate.

Nasa ilalim naman ang Altas na may 1-9 panalo-talo karta habang ang Generals ay nasa pang-siyam na puwesto na may 3-7 record.

Sa juniors, perfect 10 din ang reigning titlist SBC Red Cubs matapos nilang gapiin ang Junior Altas, 113-68, habang ang EAC Brigadiers ay pinasuko ang Staglets, 77-68, para sa 7-3 card.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply