Knights tinalbos ang Chiefs

DALAWANG araw na may sakit si Kelvin Louie Alas subalit nagawa pa rin nitong maglaro upang iangat ang Letran Knights at palakasin ang paghawak sa tersero puwesto ng team standings sa second round eliminations ng 87th season NCAA senior basketball tournament sa The Arena San Juan.

Kahit may lagnat, umiskor pa rin si Knights guard Alas ng 17 puntos, pitong rebounds at apat na assists upang talbusin ang Arellano University Chiefs, 73-59 kaninang hapon.

“May lagnat pa rin si Kevin (Alas) habang naglalaro kaya sa kanya ang credit ng panalo.” sabi ni Letran coach Louie Alas.”Sa amin nga siya matutulog ngayon.”

Dikit lang ang score matapos ang first canto, 14-11 subalit nag-umpisang umarangkada sa opensa sina Alas at forward Jamieson Cortes sa second quarter upang tapusin ang first half sa score na 37-26 bentahe sa Intramuros based.

Nag-ambag si Cortes ng 16 points at siyam na boards habang 11 pts. at tig dalawang steals at blocks upang ilista ang 8-2 win-loss slate ng Knights.

“We have to be consistent para makasabay kami sa dalawang malalakas na teams.” dagdag ni coach Alas. “Every win counts.”

Umabot sa 20 puntos ang nilamang ng Kngihts ng makaiskor si Alas ng dalawang puntos 71-51 may 2:11 pa ang nalalabi sa fourth quarter.

Samantala, kahit tatlong players sa Chiefs ang kumamada ng double digits ay kinapos pa rin ito para makalapit sa top 4.

Nagsalpak si Jerald Lapuz ng 16 puntos, 14 boards at dalawang assists habang tig 14 ang nagawa nina Andrian Celada at Vergel Zulueta parasa Arellano.

Tangan ng Chiefs ang 3-7 panalo-talo karta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply