Koko di pa sigurado kung maipoproklama bukas

AYAW pa ring magbigay ng katiyakan ang ilang miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) na tuluyang maiproklama bukas bilang ika-12 nanalong senador sa nakaraang 2007 senatorial elections, si Atty. Koko Pimentel.

Ito ay sa kabila ng pagbawi ni resigned Sen. Juan Miguel Zubiri ng kanyang counter protest laban kay Pimentel kasunod ng pagbitiw sa puwesto.

Sinabi ni Sen. Gringo Honasan, magiging procedural ang takbo ng kanilang pagpupulong bukas na magsisimula alas 12:30 ng hapon sa Sofitel Hotel.

Una aniya ay manunumpa bilang bagong miyembro sina Senators Antonio Trillanes at Ramon Bong Revilla Jr., at sunod na tatalakayin ang mga nakabinbin na mosyon kabilang na ang inihaing withdrawal of protest ni Zubiri.

Ayon kay Honasan, hindi nito masabi kung agad silang maglalabas ng resolusyon para sa proklamasyon ni Pimentel pagkatapos ng pagpupulong.

Gayunpaman, sakaling matuloy ang proklamasyon ni Pimentel bukas, ay agad itong tutulak sa Mati Davao Oriental para doon manumpa, sa lugar na umano’y nakakuha siya ng malaking boto noong 2007 elections.

Ang liderato ng Senado ay naghahanda na rin para sa pagpasok ni Pimentel.

Katunayan napag-usapan na kung anong komite ang ibibigay sa bagitong senador na anak ni dating Sen. Aquilino Pimentel Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply