Koko lamang kay Zubiri sa ARMM recount

KINUMPIRMA ng isang miyembro ng Senate Electoral Tribunal na lamang si Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III kay Sen. Juan Miguel Zubiri sa isinagawang recount sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Senador Pia Cayetano na umabot sa 257,401 boto ang lamang ni Pimentel kay Zubiri nang muling bilangin ang mahigit 2,658 presinto sa ARMM na kumakatawan sa  Maguindanao na may 1,078 presinto, Lanao del Norte (496), Shariff Kabunsuan (291), Basilan (134), Sultan Kudarat (282), Lanao del Sur (161) at Sulu (216).

Dahil dito, sinabi ni Cayetao na dapat nang magdesisyon sa lalong madaling panahon ang SET matapos bawiin ni Zubiri ang kanyang counter-protest sa election protest na inihain naman ni Pimentel sa lupon.

“With the withdrawal of Sen. Miguel Zubiri of his counter-protest, the Senate Electoral Tribunal (SET) can now proceed to rule on the electoral protest that was filed by Atty. Aquilino Pimentel III based on the results of the revision of ballots and election documents in 2,658 protested precincts, particularly in the Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), which showed that Atty. Pimentel was able to recover 257,401 votes,” ayon kay Cayetano.

Nitong Miyerkoles, nagbitiw si Zubiri bilang senador sa isang mandamdaming privilege speech sa harap ng kanyang buong pamilya, supporters mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa Mindanao at Visayas.

Ayon kay Zubiri, hindi na nito makayanan ang malng paratang na ibinabato ng kampo ni Pimentel sa kanya na lubhang nakakaapekto sa moralida ng kanyang pamilya dahil nakakaladkad ang pangalan nito sa dayaan.

Iginiit ni Zubiri na kahit kailan, hindi siya nasangkot sa anumang uri ng dayaan sa halalan o inatasan ang sinuman na mandaya para sa kanya .

Dahil, inaasahan ni Cayetano na makakapagpalabas kaagad ng desisyon ang SET sa lalong madaling panahon upang maiproklama si Pimentel bilang ika-12 senador kapalit ni Zubiri,’

“It should be noted that Sen. Zubiri was proclaimed by Comelec as the 12th winning senator in 2007 with a lead of 18,519 votes over Pimentel [who was at 13th place], so SET should rule on the counter protest immediately,” patapos niya.

Kinabibilangan ang SET nina Justice Antonio Carpio, Justice Presbitero Velasco, Justice Leonardo-de Castro at sina Senador Antonio Trillanes IV, Gregorio Honasan, Lito Lapid, Pia Cayetano at  Ramon Revilla Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply