Koko ‘double black-eye’ sa pag-upo–Alan

MAKAKATIKIM ng double black eye si Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III oras na makaupo na bilang bagong miyembro ng Senado bilang kapalit ng nagbitiw na si Sen. Juan Miguel Zubiri.

Kahit makaupo na siya sa Senado sa susunod na linggo, 23 buwan na lamang o wala ng dalawang taon siyang maninilbihan bilang senador dahil magtatapos ang six-year term ng mga nanalo noong 2007 elections sa Hunyo 2013.

Bukod sa maikling termino, sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na counted na rin na nakaisang term na si Pimentel kung kaya kung tatakbo ito ng reelection sa 2013 ay para na ito sa ikalawang term niya bilang Senador.

Ipinagbabawal na ng Konstitusyon ang pagtakbo sa ikatlong sunod na
term ng isang senador.

“I maybe wrong but ang alam ko pag napalitan ka at nakonsider na hindi ikaw dapat nakaupo doon, hindi considered na one term sayo. But kung resignation lang, considered na one term,”paliwanag ni Cayetano.
Dahil dito, ang dalawang term ni Pimentel ay magkakaroon lamang ng katumbas na walong taon imbes na labingdalawang taon.

Samantala, kung tatakbo naman si Zubiri sa 2013 elections at manalo, ito ang magiging unang six-year term nito kung saan maaari uli itong tumakbo sa 2019 senatorial elections para sa ikawalang six-year term.

Kung susumahin, ang pinakamahabang taon na maaaring pagsilbihan ni Zubiri ay aabot ng 16 na taon kumpara sa walong taon ni Pimentel.

Sinabi naman ni dating Senate President Aquilino Pimentel Jr., na masakit man tanggapin na bawas na ang panahon ng paninilbihan ng kanyang anak sa Senado ay nagpapasalamat pa rin siya sa Panginoong Diyos na kahit paano ay makakapagsilbi ito sa taumbayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply