Koko naghahanda na sa Senado

EXCITED at todo paghahanda na si Atty. Koko Pimentel para gampanan ang kanyang tungkulin sa Senado na maaring masimulan sa susunod na Lunes, Agosto 15.

Agad na tutungo si Atty. Koko Pimentel sa Davao Oriental sa Biyernes, Agosto 12, upang manumpa sakaling maiproklama na ng Senate Electoral Tribunal (SET) bilang nanalong senador sa  ika-12 pwesto noong 2007 senatorial elections.

Sinabi kasi ni Atty. Irene Guevarra, secretary ng SET, na agad na magpapalabas ng resolution ang tribunal na magdedeklara na panalo si Pimentel pagkatapos ng kanilang pagpupulong sa Huwebes, Agosto 11.

Sinabi ni Guevarra na lubhang napaaga ang pagresulba ng kaso sa pagitan nina Pimentel at Juan Miguel Zubiri matapos bawiin ng dating senador ang kanyang counter protest dahil kung hindi aniya ay maaring abutin pa umano ng karagdagang anim na buwan bago maresolba ang isyu.

Kabilang naman sa tututukan ni Pimentel bilang senador ay ang pagsusulong ng reporma sa electoral system lalo’t isa siya sa biktima ng mga sindikato, pagpaganda ng justice system at pagtutok sa edukasyon.

Una nang sinabi ng pamunuan ng SET na sa loob ng isang buwan ay maaaring maiproklama na si Pimentel bilang senador matapos bawiin ni Zubiri ang kanyang counter protest kasunod na rin ng pagbibitiw sa puwesto. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply