Koko Pimentel ipoproklama na ngayon

IPOPROKLAMA na si Atty. Koko Pimentel bilang ika-12 senador ng bansa anumang oras mula ngayon (Huwebes).

Maaga pa lamang ay namataan na si Pimentel at ang ilang miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa Sofitel Hotel.

Si Pimentel ang papalit kay Miguel Zubiri na bumaba sa pwesto matapos na makaladkad ang pangalan sa umano’y dayaan noong 2007 senatorial elections kung saan sinasabing nagwagi ay si Atty. Pimentel.

Samantala, nais ni Atty. Koko Pimentel na maging maiyembro ng Senate Blue Ribbon Committee upang makibahagi sa isinasagawang pagdinig sa helicopter anomaly at sa umano’y dayaan sa 2004 presidential elections.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply