Koko Pimentel ipoproklama na sa Huwebes

IPOPROKLAMA na sa Huwebes, Agosto 11, ng Senate Electoral Tribunal (SET) si Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III bilang ika-12 senador.

Ang desisyong italaga si Pimentel bilang nagwaging senador noong 2007 election ay ibinaba ng SET matapos bumaba sa puwesto si dating Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Ayon sa secretary general ng SET na si Atty. Irene Guevarra, magkakaroon muna ng deliberasyon ang chairman at mga miyembro ng SET bago iproklama si Pimentel sa Huwebes ganap na ala-una ng hapon.

Aniya, hindi na kailangan pang pumunta sa SET si Pimentel dahil kanila na lamang itong padadalhan ng kopya ng nasabing desisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply